Home NATIONWIDE Iba pang Bulacan personalities, ‘big fish’ kakasuhan ng Ombudsman sa flood control...

Iba pang Bulacan personalities, ‘big fish’ kakasuhan ng Ombudsman sa flood control scandal

97
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsampa ng kaso ang Office of the Ombudsman sa Huwebes, Hunyo 4, laban sa ilang personalidad sa Bulacan dahil sa flood control project, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Miyerkules.

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na ang mga kaso ay isasampa sa Malolos Regional Trial Court.

Ayon kay Dizon, may mga padating pa na kaso at may malalaking personalidad pang masasampahan.

Ginawa ni Dizon ang pahayag habang iniinspeksyon nila ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Matalahib Creek Pumping Station.

Matatandaan na ilang opisyal na ng DPWH ang sinampahan ng kaso kabilang na rito si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na ngayon ay nililitis na sa Sandiganbayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here