Home NATIONWIDE Citizens role sa impeachment trial ni VP Sara ikinalugod ng prosecution team

Citizens role sa impeachment trial ni VP Sara ikinalugod ng prosecution team

54
0

MANILA, Philippines – Mainit na tinanggap ni House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang paglulunsad ng “Bantay Senado” isang citizens watchdog na magbabantay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte upag matiyak na ito ay transparent, patas, at may pananagutan.

Ayon kay Alonto Adiong, ang pagbuo sa naturang citizens’ watchdog bago pa man magsimula ang paglilitis sa Senado ay nagpapakita ng lumalagong interes ng publiko sa kaso.

“We welcome this initiative because citizens have an important role to play in ensuring transparency and accountability throughout the impeachment process,” ani Adiong.

Pinangunahan ng De La Salle University Manila ang Bantay Senado, isang non-partisan coalition na binubuo ng mga estudyante, akademiko, abogado, civil society groups, at mga nagmamalasakit na mamamayan.

Pahayag ng grupo, babantayan nila ang impeachment proceedings upang makatulong na matiyak na ang paglilitis ay isasagawa sa isang konstitusyonal, patas, walang kinikilingan, at transparent na pamamaraan.

Binigyang-diin ng mga organizer na wala silang pinapanigan sa sala o kawalang-sala ni Duterte, at sa halip ay layon lamang nilang isulong ang public oversight at pag-unawa sa proseso ng impeachment.

“Napakahalaga ng papel ng mamamayan ngayon dahil hindi lang ito laban ng ebidensya sa loob ng impeachment court. Ito rin ay laban para sa katotohanan sa gitna ng napakaraming misinformation at disinformation,” dagdag pa ng mambabatas.

Paulit-ulit nang nagbabala si Alonto Adiong na ang mga planadong disinformation efforts ay maaaring magpahina sa pag-unawa ng publiko sa paglilitis kaya naman ang mga citizen-led initiatives na naghihikayat sa public engagement at fact-based discussions ay malaking tulong upang makontra ang mga pekeng narratives.

“Ang pinakamahalaga ay manatiling nakatuon ang taumbayan sa mga ebidensya, sa mga katotohanan, at sa proseso na itinatadhana ng Konstitusyon,” giit ni Adiong.

Kumpiyansa naman si Alonto Adiong na ang pagbabantay ng publiko ay magpapatibay sa kredibilidad ng impeachment proceedings anuman ang maging kinalabasan nito.

“At the end of the day, transparency strengthens trust. The more Filipinos understand and follow the process, the stronger our democratic institutions become,” pagtatapos ng solon.

Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 350 volunteers nationwide ang Bantay Senado at nagpaplano silang magsagawa ng mga public education campaigns, community town halls, volunteer training activities, at trial-monitoring efforts habang gumugulong ang paglilitis. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here