Home ENTERTAINMENT Ibinisto: Regalong kotse ni Echo, ibinenta ng adik na utol!

Ibinisto: Regalong kotse ni Echo, ibinenta ng adik na utol!

1
0

Manila, Philippines – Mismong ang asawa ni Jeremiah Rosales na si Jhen Go ang nagbisto na ibinenta nito ang kotseng iniregalo ng kanyang kuya Jericho Rosales.

Mahigit 10 taon nang nagsasama sina Jeremiah at Jhen.

Kamakailan, naiulat na natakasan ni Jeremiah ang staff ng rehab facility na susundo sa kanya.

Reported missing ito, only to be found in Bicol.

Lulong sa ipinagbabawal na gamot si Jeremiah–dahilan para ipa-rehab siya nang makalawang beses.

Sa kabila ng kanyang kundisyon, generous pa din si Jericho sa pagbibigay ng regalo sa kapatid.

Pagkalabas daw nito noong 2024 mula sa rehab, niregaluhan siya ni Echo ng sasakyan at big bike.

Noong 2025 naman, pagka-release ni Jeremiah sa rehab ay isang sedan naman ang iniregalo ng kanyang kuya.

Pero binawi daw ni Echo ang unang sedan at motorsiklo mula sa kapatid.

Ang huling sasakyan ay naibenta ni Jeremiah sa kawalan ng trabaho.

Bukod dito’y ibinenta din ni Jeremiah ang iconic na espada ni Jericho na ginamit nito sa seryeng Ang Panday.

Despite all this, never daw kinagalitan ni Echo ang kapatid–na ang luho’y sagot pa niya.

Sa ngayon, ipinauubaya ni Jhen kay Jericho ang pag-aalaga sa kapatid.

Dahilan–ayaw daw nilang ma-stress kay Jeremiah! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here