Home ENTERTAINMENT Ate Gay, wala nang bukol sa ilong at leeg!

Ate Gay, wala nang bukol sa ilong at leeg!

1
0

Manila, Philippines – Tuluy-tuloy na ang paggaling ni Ate Gay–for which the standup comedian is extremely thankful.

Ayon kay Ate Gay–Gil Morales in real life–tuluyan nang nalusaw ang kanyang bukol sa kanyang ilong at leeg.

Matatandaang nasuri siyang merong Stage 4 mucoepidermoid carcinoma.

Ito’y isang “rare, aggressive cancer.”

Ayon sa Instagram post ni Ate Gay, ang pagkawala ng bukol niya sa ilong at leeg ay resulta ng kanyang MRI o magnetic resonance imaging.

Patuloy niya, apat na immunotherapy na lang daw ang dapat niyang gawin sa bawat 21 araw.

“Salamat po sa mga dasal at mga anghel ko,” ani Ate Gay.

Matatandaang nagmagandang-loob ang isa niyang fan na nagbigay sa kanya ng libreng pagtira sa isang condo unit, para malapit sa ospital kung saan siya nagpapagamot. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here