Home NATIONWIDE ‘Ibon’ arestado sa P468K shabu sa Quezon

‘Ibon’ arestado sa P468K shabu sa Quezon

123
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng Quezon police ang tulak ng illegal na droga dahil sa mahigit P428,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Lucena City, Quezon nitong Biyernes, Hulyo 11.

Iniulat ni Quezon police chief Colonel Ledon Monte nitong Sabado, na naaresto ng team mula sa provincial police drug enforcement unit ang 46-anyos na lalaking si alyas “Ibon” sa pagbebenta ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 sa undercover agent sa transaksyon na isinagawa sa Barangay Ilayang Iyam.

Nakuha sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 21 gramo at estimated value na P142,800.

Sa kabila nito, tinukoy sa police report na ang nakumpiskang shabu ay nagkakahalaga ng P428,000 kung ang pagbabatayan ay ang market price na P20,400 kada gramo.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang posibleng source ng mga illegal na droga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here