MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 129 medical cases sangkot ang mga atleta ng Palarong Pambansa ang naitala sa Cebu City Medical Center (CCMC) hanggang nitong Biyernes, Hulyo 12, ayon kay CCMC chief Dr. Peter Mancao.
Iniulat ni Mancao na sa nasabing bilang, 33 atleta ang kinailangang i-admit at 11 ang nakatanggap ng outpatient care.
Karaniwang mga kondisyon ay lagnat, pneumonia, tonsillitis, at minor gastrointestinal issues.
Ang mga outpatient cases naman ay sprains, dislocations, headaches, at iba pang minor complaints.
“We are using the same setup we had with CVIRAA. In CVIRAA, we did not have admissions in our Palaro ward. Pero now, that’s why we were a bit surprised because of the dengue. But again, I know it’s rainy season, it’s endemic in the Philippines, we have people coming in from all over (the country). So it’s understandable,” ani Mancao.
Posibleng nakuha na ng mga atleta ang sakit na dengue bago pa man ito umalis sa kani-kanilang mga bayan. Patunay dito ang isang atleta na nilalagnat na bago pa man umalis patungong Cebu.
Karaniwang inaabot ng tatlo hanggang apat na araw bago lumabas ang sintomas ng dengue. RNT/JGC