Home TOP STORIES ICC magpapasya sa kapalaran ni Prosecutor Karim Khan

ICC magpapasya sa kapalaran ni Prosecutor Karim Khan

1
0

THE HAGUE, Netherlands — Magpupulong ngayong Biyernes, Hulyo 24, 2026 ang 125 miyembrong bansa ng International Criminal Court (ICC) upang pagbotohan kung aalisin sa puwesto si ICC Prosecutor Karim Khan, na kasalukuyang suspendido dahil sa mga alegasyon ng sexual assault laban sa isang miyembro ng kanyang staff.

Si Khan, 56, ay pansamantalang umatras sa kanyang tungkulin noong Mayo 2025 habang iniimbestigahan ang reklamo. Noong nakaraang buwan, pormal siyang sinuspinde ng Assembly of State Parties (ASP), ngunit nilinaw nitong hindi pa ito ang pinal na desisyon.

Isasagawa ang botohan sa pamamagitan ng secret ballot sa isang closed-door meeting sa United Nations Headquarters sa New York. Kailangan ang absolute majority ng mga boto upang maaprubahan ang kanyang pagtanggal.

Ang nagreklamo, na kinilalang si Sarah, isang Malaysian lawyer at dating assistant ni Khan, ay nagsabing nagkaroon ng “escalation of attempts” na nauwi sa pisikal na pag-atake.

“There is no way for something to be consensual when you have such a power disparity.”

Mariing itinanggi ni Khan ang lahat ng akusasyon. Sa isang bukas na liham, sinabi ng kanyang mga abogado na hindi nasunod ang tamang proseso upang maipagtanggol niya ang sarili at hiniling sa mga miyembrong bansa na huwag siyang alisin sa puwesto.

Si Khan ang nanguna sa paghingi ng arrest warrants laban kina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at dating Defense Minister Yoav Gallant kaugnay ng digmaan sa Gaza, dahilan upang mapatawan siya ng sanctions ng Estados Unidos.

Ayon kay dating US war crimes ambassador Stephan Rapp, mahalagang alisin si Khan kung mapatutunayang may sala upang mapanatili ang kredibilidad ng ICC.

“My own view is that the evidence is more than sufficient for his removal, and I think for the ICC to have any credibility, he must be removed.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here