Home NATIONWIDE ICC prosecutor Khan inaakusahan ng ‘pagganti’ sa sexual misconduct allegation – ulat

ICC prosecutor Khan inaakusahan ng ‘pagganti’ sa sexual misconduct allegation – ulat

THE HAGUE, The Netherlands – Binubusisi rin ng U.N. investigators na sumusuri sa alegasyong sexual misconduct ni International Criminal Court Chief Prosecutor Karim Khan ang umano’y pagganti nito sa mga akusasyon, base sa limang source batay sa ulat.

Sinusuri ang mga alegasyon na gumanti umano si Karim Khan laban sa staff na nag-ulat ng mga alegasyon ng sexual misconduct sa isang babaeng abogado na nagre-report sa kanya o kritikal sa paghawak niya ng mga isyu, base sa tatlong source na may direktang kaalaman sa U.N. investigation.

Bataya sa limang source, inihirit na huwag silang pangalanan, na dinemote umano ni Khan ang nasa apat na staff sa kanyang opisina.

Itinanggi naman ng mga abogado ni Khan ang lahat ng alegasyon at sinabing “he looks forward to cooperating fully and transparently with the external investigation”.

“We refer you to what our client has said previously in this regard, including his firm denials. You will appreciate that our client cannot be expected to provide a running commentary on these matters,” lbase sa law firm na Carter-Ruck.

“He has not engaged in sexual misconduct of any kind and nor, to be clear, has he engaged in any ‘retaliatory behaviour’ as alleged.”

Hindi naman nagkomento ang Carter-Ruck kung sinusuri rin sa U.N. probe ang mga alegasyon sa umano’y retaliatory conduct.

Nangako si Khan na patuloy na makikipagtulungan sa imbestigasyon, at sinabing kasabay ang orihinal na akusasyon, ikinasa noong Oktubre, ng “campaign of misinformation” laban sa kanyang opisina. RNT/SA