Home NATIONWIDE ICC tikom sa Duterte arrest

ICC tikom sa Duterte arrest

MANILA, Philippines- Hindi nagbigay ng komento ang Office of the Prosecutor ng International Criminal Court #ICC kaugnay sa umano’y warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa inilabas na statement ng Public Information Unit ng Office of the Prosecutor International Criminal Court, patuloy ang imbestigasyon ng kanilang tangapan sa mga umano’y krimen na nangyari sa Pilipinas mula November 2011 hanggang March 2019 kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration.

“The ICC Office of the Prosecutor does not comment on ongoing investigations and has no comment on these reports.”

Iginiit ng ICC na mahalagang bahagi ng kanilang trabaho ang pagiging tahimik at “confidential” para maingatan ang integridad ng imbestigasyon.

“Confidentiality is a crucial part of our work and is essential to protect the integrity of investigations and ensure the safety and security of victims, witnesses, and all those with whom the Office interacts,” dagdag ng ICC Office of the Prosecutor. Teresa Tavares