Home NATIONWIDE DOH naglatag ng updated health guidelines sa gitna ng matinding init

DOH naglatag ng updated health guidelines sa gitna ng matinding init

MANILA, Philippines- Naglabas ang Department of Health (DOH) ng updated guidelines upang maiwasan at pamahalaan ang mga epekto sa kalusugan ng matinding init, kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferrdiannd Marcos Jr.

Ang mga bagong alituntunin na nakabalangkas sa Department Memorandum No. 2025-0114 na may petsang Marso 7, ay inilabas dahil ang heat index ay inaasahang tataas sa papalapit na tag-init at tagtuyot.

Inaatasan ng bagong alituntunin ang lahat ng mga yunit ng DOH, kabilang ang mga ospital na pinananatili ng departamento at pasilidad ng kalusugan, tulad ng mga sentro ng Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS), na magpatupad ng mga pangunahing istratehiya.

Ang mga istratehiyang ito ay dapat ding makipag-ugnayan sa mga lokal na yunit ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga programa tulad ng PuroKalusugan, na ipinakilala sa katatapos na National Health Sector Meeting.

Ang hakbang ay kabilang ang pagtiyak na ang kahandaan ng health facilities at staff, pagtataguyod ng public health literacy upang turuan ang mga tao sa pagpapanatiling ligtas sa panahon ng matinding init at pagtatatag ng mga cooling center sa mga air-conditioned o well-ventilated na mga lugar malapit sa mga ruta ng pampublikong transportasyon, pagbibigay-prayoridad sa mga bulnerableng grupo tulad ng mga matatanda, maliit na bata, buntis at mga taong may kapansanan.

BIlang karagdagan, maglalagay din ng hydration stations sa lahat ng DOH facilities partikular sa napakainit na oras sa araw mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon habang ipatutupad ang agarang pagtuklas at pagsubaybay sa mga sakit na nauugnay sa init.

“The Department of Health, together with the entire government, is prepared to face the hot weather. Always check the heat index forecast of PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) for your area or vicinity. Wear loose, white or light-colored, and lightweight clothing,” payo ni DOH Secretary Teodoro J. Herbosa.

Pinaalalahanan din ni Herbosa ang publiko na tumawag sa 911, 1555 (DOH), o 143 (Philippine Red Cross) para sa emergencies. Jocelyn Tabangcura-Domenden