Home HOME BANNER STORY ICI: Romualdez todo deny na tumanggap ng kickback sa flood control projects

ICI: Romualdez todo deny na tumanggap ng kickback sa flood control projects

292
0
(c) Den Alb Photography

MANILA, Philippines – Itinanggi ni dating House Speaker Martin Romualdez na tumanggap siya ng kickback mula sa umano’y mga maanomalyang flood control project, ayon sa pahayag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Martes.

Ayon kay ICI Executive Director Brian Keith Hosaka, dumalo si Romualdez sa closed-door hearing at ipinaliwanag ang kanyang papel sa budget process, kasabay ng pagtanggi sa mga paratang laban sa kanya.

Bagaman hindi siya nagbanggit ng mga pangalan ng sangkot umano sa korapsyon, sinabi ni Hosaka na pinangalanan ni Romualdez ang ilang mambabatas na kasali sa pagbuo ng pambansang badyet. Ipapatawag umano ng komisyon ang mga naturang kongresista at muli ring iimbitahan si Romualdez upang talakayin ang kanyang sinumpaang salaysay.

“Wala akong itinatago at walang dapat itago. I am here to cooperate fully and help uncover the truth,” ayon kay Romualdez, na nagsabing handa siyang ilabas ang kanyang SALN at muling dumalo sa ICI kung kakailanganin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here