Home HOME BANNER STORY 3 tusta sa sunog sa Quezon City

3 tusta sa sunog sa Quezon City

338
0

MANILA, Philippines – Tatlong magkakapatid ang nasawi sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na may edad 10, 7, at 5 at natagpuan sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nasa ospital noon ang ina ng mga bata upang ayusin ang medikal na eksaminasyon ng kanyang ina nang mangyari ang insidente.

Ayon sa Quezon City Fire District, posibleng suffocation ang sanhi ng pagkamatay ng mga bata, bagama’t ayon sa isang source, sunog ang mga katawan ng mga ito.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumupok din sa isang tatlong-palapag na bahay at nakaapekto sa 33 pamilya bago ito naapula.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng apoy, habang nangakong magbibigay ng tulong ang barangay sa pamilya Miñoza. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here