Home HOME BANNER STORY ‘Consent requirement’ sa paghingi ng SALN ng mga opisyal, kinalos na ng...

‘Consent requirement’ sa paghingi ng SALN ng mga opisyal, kinalos na ng Ombudsman

344
0

MANILA, Philippines – Inalis ng Office of the Ombudsman ang dating patakaran na humihingi ng pahintulot mula sa mga opisyal ng gobyerno bago mailabas ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Ayon sa bagong Memorandum Circular na ipinalabas ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, papayagan na ang lahat ng kahilingan para sa kopya ng SALN maliban na lamang kung:

-hindi Ombudsman ang opisyal na tagapangalaga ng dokumento,

-wala sa file ang SALN,

-ginagamit ito para sa komersyal, mapanlinlang, o bantaang layunin, o

-peke ang pagkakakilanlan ng humihiling.

“Transparency is the name of the game. Wala nang kailangan pang consent mula sa opisyal. Ang kailangan lang ay valid ID at totoong pagkakakilanlan,” ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano.

Sakop ng bagong polisiya ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga pinuno ng Constitutional Offices, at mga lokal na opisyal na nagsusumite ng SALN sa Ombudsman.

Binabaligtad nito ang 2020 memo ni dating Ombudsman Samuel Martires, na dati ay naglilimita sa access sa SALN at humihingi ng pahintulot ng mismong opisyal bago ito maisapubliko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here