Manila, Philippines — Inamin na nga ni Jeric Raval sa isang panayam na totoong may mga anak na ang anak niyang si AJ Raval at ang dyowa nitong si Aljur Abrenica.
Pero ayon kay Jeric, nadulas lang daw siya noon at hindi na niya binawi ang kanyang pahayag.
Matatandaang hindi pa kailanman inamin ng celebrity couple sa publiko na mayroon na silang dalawang anak, kaya naman nagulat ang madlang pipol nang si Jeric mismo ang maglantad nito.
Sa guesting ni Jeric sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong siya ni Kuya Boy kung nagalit ba sa kanya sina Aljur at AJ dahil sa kanyang pambubuking.