MANILA, Philippines – Sinusuri pa rin ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga pamamaraan para sa livestreaming ng mga pagdinig nito sa pagsisiyasat sa maanomalyang flood control projects.
“We might have something for you on that matter maybe next week,” ayon kay ICI chair Andres Reyes.
Nakatakdang ipagpatuloy ng ICI ang pagdinig nito sa Nobyembre 17 matapos na magpahayag si dating Public Works Usec. Roberto Bernardo na ma-reschedule ang pagharap nito sa komisyon sa kahilingan ng kanyang abogado.
Nang tanungin kung ang ICI ay magiging handa para sa livestreaming sa Nobyembre 17, sinabi ni Reyes, “We’ll be ready. But I think we might ask the person if he wants a livestream.”
Nang tanungin pa kung magdedepende ang livestreaming sa resource person, sinabi ng tagapangulo ng ICI, “We’re studying that matter.”
“Because these are potential witnesses, and if they feel harm or threat to their safety, we might ask for that. But there is no yes or no right now on that. We are still evaluating everything,” dagdag ni Reyes.
Kamakailan, sinabi ni Reyes na ang komisyon “will take some time” para magtatag ng mga patakaran at pamamaraan para sa livestreaming ng mga pagdinig nito dahil sila ay “undermanned” sa mga abogado upang iproseso ito.
Ang ICI ay kasalukuyang nagsasagawa ng pagsisiyasat sa napakalaking mga anomalya sa imprastraktura sa buong bansa. RNT/MND