Home ENTERTAINMENT Janice, nag-walk out sa event!

Janice, nag-walk out sa event!

311
0

Manila, Philippines – Hindi nakatakas sa paningin ng ibang mga miyembro ng press ang biglang pagtayo ni Janice de Belen sa isang event, sabay tuluyan nang mag-walk out.

Nahuli ang eksenang ‘yon sa product launch kamakailan ng Swiss Proli night gummies sa BGC, Taguig City.

Ito ay ang pag-aari ni Julia Montes.

Magkasabay na dumating sa event sina Janice de Belen, Cherry Pie Picache at Angel Aquino.

Umupo silang tatlo sa gilid ng stage.

Maya-maya pa’y paparating naman si John Estrada papunta sa direksyon ng tatlong aktres na unang dumating.

Huling-huling bumulong si Janice sa katabing si Cherry Pie, sabay tayo.

Inakala naman ng nakakitang showbiz reporter na pupunta lang ng rest room si Janice.

Dahil no longer in sight ay inakala ring baka naghanap lang ng ibang mauupuan si Janice.

Pero natapos at natapos daw ang event ay tuluyan nang naglaho ang aktres.

Ipinapalagay naman na ang posibleng dahilan ng walkout scene ni Janice ay dahil sa pagdating ni John na dati niyang karelasyon.

Sa kanyang vlog interview months ago, nagpahayag si Janice na open siyang makatrabaho ang ex-boyfriend niyang si Aga Muhlach, ama ng kanilang anak na si Luigi.

Pero pagdating kay John ay tahasang umayaw ang aktres na makatrabaho ito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here