Home ENTERTAINMENT Iconic movie na Do Re Mi, musical play na rin!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Iconic movie na Do Re Mi, musical play na rin!November 6, 2026 12:2320 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – From film to stage.Ganito din ang aasahang produksyon ng pelikula noon ng Viva Films na Do Re Mi.Isasalin din kasi ang iconic film ninaRegine Velasquez, Donna Cruz at Mikee Cojuangco sa theatrical version.Ito’y makaraan ng tinamong tagumpay ng theatre run ng Bagets at Bongga Ka, ‘Day–both iconic films na hatid ng Viva Entertainment.Ang tsika, magsisimula na ang audition para sa Do Re Mi.Hindi pa malinaw sa ngayon kung sino ang mga gaganap sa papel nina Regine, Donna at Mikee.Ang sabi pa, muntik na nga daw maudlot ang musical play nito dahil sa plano ng isang kontrobersyal na direktor na gumawa ng Part 2 nito.Pero sa pagkakataong ito daw, ang gagwin niyang pamagat ay Fa So La.Kaya balitang pinalagan ito ng mga nasa likod ng iconic film at harangin ang nasabing plano ukol sa sequel nito.Pakiramdam ba ng mga key players ng Do Re Mi ay baka “masalaula” lang ang Fa So La?Hence, the idea of turning Do Re Mi into a musical play was born.Next year na daw ito maisasakatuparan.Looking forward. Ronnie Carrasco III