Home ENTERTAINMENT Idea ng eulogy kahit buhay, pinagtalunan nina Vice at Anne!

Idea ng eulogy kahit buhay, pinagtalunan nina Vice at Anne!

Manila, Philippines – Delivering a eulogy for a person who’s still alive?

Ito ang nais mangyari ni Vice Ganda sa kanya kahit buhay pa siya!

Ayon sa Unkaboggable Star, nasabi raw niya sa It’s Showtime co-host na si Anne Curtis na pauusuhin niya ito.

Simple lang ang paliwanag ng TV host.

As in any eulogy bilang pagbibigay-respeto sa taong namayapa ay lagi nating binabanggit ang mga magagandang bagay tungkol sa kanya.

Kabaligtaran naman daw ito sa mga sinasabi ng ilang tao noong nabubuhay pa ito.

Kapag patay na nga naman ay hindi na nito maririnig whatever good thing is said about him.

Mas mabuti raw na habang buhay ito’y handugan na ng eulogy.

“Bakit hindi natin gawin ‘yon pag birthday nu’ng tao o karaniwang araw?” depensa ni Vice Ganda.

Ipinaalala ng TV host that times in one’s life are uncertain.

“Remember, hindi natin hawak ang bukas!”

To which nag-react si Anne na animo’y nangingilabot sa ideya ng co-host.

“Ang morbid mo naman!” sey ni Anne.

Sa paliwanag ni Vice Ganda ay may patungkol ‘yon sa mga reporter.

Kapag ang isang reporter daw ang namatay ay kung anu-anong magagandang salita ang

binibitawan tungkol sa kanya tulad ng the best, a legend in Philippine showbiz at ilan pang papuri.

Pero huwag ka, noong nabubuhay pa raw ito’y hindi naman kagandahan ang ugali nito.

Parang nahulaan na namin kung sino’ng reporter ang tinutukoy ni Vice Ganda! Ronnie Carrasco III