Home METRO #WalangTubig sa ilang Manila Water service areas sa May 23-June 1

#WalangTubig sa ilang Manila Water service areas sa May 23-June 1

MANILA, Philippines-  Makararanas ang mga kustomer ng Manila Water sa pitong bayan ng service interruption mula May 23 hanggang June 1 dahil sa scheduled maintenance activities.

Sinabi ng Manila Water Company na dapat mag-imbak ng tubig ang mga maaapektuhang residente upang matiyak na sapat ang suplay para sa kanilang pangangailangan sa kalagitnaan ng pagkaantala ng serbisyo.

Sa abiso, sinabi ng Manila Water na maaapektuhan ng maintenance works ang serbisyo sa mga sumusunod na lugar:

Santa Ana, Manila

Mula May 23, 10 p.m. hanggang May 24, 4 a.m.

  • Ilang bahagi ng Barangay 770

Dahil sa line declogging sa Oro-B corner Estrada

  • Bahagi ng Barangay 776, 778, at 779

Dahil sa line declogging sa Pasig Line corner Estrada

Mula May 23, 10 p.m. hanggang May 24, 6 a.m.

  • Ilang parte ng Barangay Marikina Heights at Barangay Concepcion Dos

Dahil sa emergency line meter declogging sa General Ordonez Street, Marikina Heights,

Mula May 23, 10 p.m. hanggang May 24, 4 a.m.

  • Bahagi ng Barangay Fortune (Lower Santan, Upper Santan, Bonanza & PMFT)

Dahil sa emergency leak repair sa Santan corner East Drive, Barangay Fortune

Quezon City

Mula May 23, 10 p.m. hanggang May 24, 4 a.m.

  • Ilang bahagi ng Barangay Pasong Tamo

Dahil sa line maintenance sa Philand Extension Old

  • Parte ng Barangay Bahay Toro

Dahil sa emergency leak repair sa Carmel 2 Subdivision

Mula May 30, 10 p.m. hangang May 31, 4 a.m.

  • Bahagi ng Barangay Tandang Sora

Dahil sa line maintenance sa Banlat Road corner Alcantara Street

Mula May 30, 10 p.m. hangang June 1, 4 a.m.

  • Ilang bahagi ng Barangay Tandang Sora

Dahil sa line maintenance sa Banlat Road corner Alcantara Street

Pasig City

Mula May 23, 10 p.m. hangang May 24, 4 a.m.

  • Ilang parte ng Barangay San Joaquin (kahabaan gn Visitacion, G. Tatco, J.V Concio, R. Hernandez, Villa Tupaz, Barangay San Joaquin, Pasig City, at Barangay Santa Ana, Municipality of Pateros (Boundary))

Dahil sa emergency leak repair sa kahabaan ng Elisco Road, Barangay San Joaquin

San Juan City

Mula May 23, 10 p.m. hanggang May 24, 4 a.m.

  • Ilang bahagi ng Barangay Greenhills

Dahil sa emergency line meter activity sa Virra Mall, Greenhills Shopping Center

Makati City

Mula May 25, 10 p.m. hanggang May 26, 4 a.m.

  • Parte ng Barangay Kasilawan at Barangay Tejeros

Dahil sa line meter at strainer declogging sa F. Guizon Street corner E. Pascua Street, Barangay Kasilawan

Antipolo at Angono, Rizal

Mula May 23, 10 p.m. hanggang May 24, 4 a.m.

  • Bahagi ng Barangay Mahabang Parang (kahabaan ng Mahabang Parang, Sitio Silihan & Duraville 1) at ilang parte ng Barangay Jose (Antipolo – Robinsons Homes)

Dahil sa emergency leak repair sa Eastridge Reservoir, Mahabang Parang

Sinabi ng Manila Water na kapag bumalik na ang tubig, hintayin muna ng customers na maging malinaw ito bago gamitin. RNT/SA