Home METRO 2 HVI nalambat sa Makati buy-bust ops

2 HVI nalambat sa Makati buy-bust ops

MANILA, Philippines-  Dalawang high-value individuals (HVIs) ang nadakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at ng Guadalupe Nuevo Substation 7 ng Makati City Police Station sa ikinasang buy-bust operation Miyerkules ng hapon, Mayo 22.

Kinilala ng Makati City police ang nga inarestong suspek na sina layas Jimmy, 43, at isang alyas Tonyang, 34, na parehong tinaguriang HVIs sa lungsod.

Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang pagdakip sa mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng SDEU at Substation 7 dakong alas-5:20 ng hapon sa Magsaysay Street, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Sa isinagawang buy-bust operation ay nagpanggap na buyer ang isang operatiba at makaraang iabot na ng suspek ang shabu ay dito na dinakma ang mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakaresto.

Narekober sa posesyon ng mga suspek ang isang plastic sachet na naglalamanng 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,200, isang cellular phone, itim na sling bag, Yamaha Mio Soul na motorsiklo, at P1,000 na nakapatong sa 79 piraso ng counterfeit money na ginamit sa operasyon.

Ang nakumpiskang hinihinalang shabu na gagamitin para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek ay dinala sa SPD Forensic Unit para sa qualitative at quantitative analysis.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Makati City police. James I. Catapusan