Manila, Philippines – Pahinga lang ba si Gretchen Barretto sa social media partikular sa Instagram or has she permanently deactivated her account?
Nakatihan daw kasing silipin ng ibang showbiz reporters ang IG account ng partner ni Tony Boy Cojuangco na umaasang matitisod nila ang birthday post nito para sa namayapang amang si Daddy Miguel.
The reporters’ efforts, however, proved futile.
Hindi na raw kasi nila makita ang account ng self-retired actress.
What prompted the reporters to check Greta’s IG account ay makaraang may mahabang post ang younger sis nitong si Marjorie para sa ama.
Ayon kasi kay Marj, naging mahirap daw para sa kanya ang mga araw leading to September 29.
Gayunpaman, inalala nito ang kabutihan ni Daddy Miguel who was always around for her and kids Julia, Claudia and Leon.
Lahat daw ng milestones ng mga anak ni Marjorie ay laging kabahagi ang ama.
Dasal niya’y gabayan sila ni Daddy Miguel who she wished to have a blast on his birthday in heaven.
Samantala, upon checking Claudine’s IG ay wala pa raw itong post para sa ama.
At least, Claudine’s IG account still exists unlike Gretchen’s.
For sure, may valid reason si La Greta for staying away from social media.
If through this ay magkakaroon siya ng panatag na kalooban, who’d want to be active on somed?
Matatandaang naging isang malaking balita ang gulong naganap sa mismong burol ni Daddy Miguel involving the Barretto sisters.
To this day, hindi pa rin nagkakaayos sina Marjorie at Claudine while Gretchen and the latter have joined forces. Ronnie Carrasco III