Home NATIONWIDE Partial lunar eclipse, meteor showers masasaksihan ngayong Oktubre

Partial lunar eclipse, meteor showers masasaksihan ngayong Oktubre

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na masasaksihan ang astronomical events ngayong Oktubre.

Sa Oct. 29, magkakaroon ng Partial Lunar Eclipse na makikita sa Metro Manila ng ibang bansa sa loob ng isang oras at 19 minuto, ayon sa PAGASA.

“We recommend to look at the western sky in the early morning hours of Oct. 29,” anang PAGASA.

Makikita ang eclipse “in any location where the Moon is above the horizon” kabilang ang Europe, malaking bahagi ng Asya at Africa, eastern Americas, at Australia. 

Iminungkahi ng PAGASA na magsuot ng binoculars upang magkaroon ng “excellent” ng karanasan sa panonood ng eclipse.

“Contrary to solar eclipses, observing a lunar eclipse is safe and requires no protective eyewear,” anito.

Sinabi pa ng PAGASA na magiging aktibo ang “Draconid Meteor Shower” mula Oct. 6 hanggang Oct. 10, at inaasahan ang peak nito sa Oct. 9.

“At its peak activity, the Draconid meteor shower will produce around 10 meteors per hour,” anang ahensya.

Samantala, inihayag ng PAGASA na magiging aktibo naman ang “Orionid Meteor Shower mula  Oct. 2 hanggang Nov. 7, kung saan inaasahan ang peak activity nito sa Oct. 22.

“The Orionids’ best display will be after its radiant constellation Orion fully rises around 9:56 p.m. on Oct. 21 to the dawn of the following day,” anito.

“Choose a dark location away from city lights with a clear sky and no moon to maximize the viewing experience,” dagdag ng PAGASA. RNT/SA