Home ENTERTAINMENT IG ni Philmar, deactivated, sinadya?

IG ni Philmar, deactivated, sinadya?

Siargao, Philippines- Curious ang mga netizens na malaman kung sinadya ni Philmar Alipayo na i-deactivate ang kanyang Instagram.

Deliberate nga raw bang ginawa ‘yon ng partner ni Andi Eigenmann para makaiwas sa mga bashers?

As far as Philmar’s camp naman is concerned, in the first place ay wala nang dahilan para i-bash si Philmar.

‘Ika nga nila, the dust has already settled.

Sa madaling salita, tapos ang isyu ng cheating o betrayal sa kanila ni Andi.

Ah, kaya naman pala curious ang mga netizens ay dahil gusto nilang usisain ang tungkol sa bagong tattoo ni Philmar.

Tattoo? Eh, hindi nga ba’t ang “224” tattoo nila ni Pernilla Sjoo ang ugat ng lahat?

But before the netizens jump the gun, let it be clear na ang bagong ipina-tattoo ni Philmar ay hindi na magiging isyu uli sa kanila ni Andi.

Dahil ang tattoo sa kanang braso ni Philmar ay ang dalawang fur babies nila ng kanyang partner!

Kung sisipatin ang katawan ni Philmar, marami pa siyang bahagi ang puwedeng tattoo-an.

Expect more body art. Ronnie Carrasco IIi