Home METRO Kelot na wanted sa multiple counts ng rape sa Mindoro, laglag sa...

Kelot na wanted sa multiple counts ng rape sa Mindoro, laglag sa Caloocan

MANILA, Philippines – Bumagsak na kamay ng mga awtoridad ang 54-anyos na lalaki na wanted sa multiple counts of rape sa Lalawigan ng Mindoro nang matunton sa kanyang pinagtataguan sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa lungsod ang akusado na wanted sa multiple counts of rape sa Mindoro kaya inatasan niya ang Station Intelligence Section (SIS) na bumuo ng team para tugisin ito.

Sa koordinasyon sa Police Sub-Station 7 (PSS-7) at Pola Municipal Police Station Intelligence operatives, agad ikinasa ng SIS CCPS ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-12:50 ng madaling araw sa Block 1 Lot-29, Benedict Ville, Barangay 167, Llano.

Ang akusado ang dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 42, Pinamalayan, Oriental Mindoro, para sa four (4) counts of Rape in relation to R.A. 7610 at one (1) count of Statutory Rape, na lahat ay may petsang November 25, 2013.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na pansamantalang nakapiit sa SIS-CCPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.

Binati ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director of the Northern Police District (NPD) ang dedikasyon ng at tiyaga ng mga operatiba sa pagtugis sa mga pugante na nauugnay sa marahas na krimen.

“This operation showcases the unyielding dedication of our personnel in the pursuit of justice for victims. We are resolute in our mission to intensify initiatives aimed at safeguarding our communities.” pahayag niya. Merly Duero