MANILA, Philippines – Ipinasa na ng International Criminal Court (ICC) Office of the Prosecutor ang ika-11 batch ng ebidensya laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang crimes against humanity case na may kinalaman sa drug war.
Sa dokumento na may petsang Hulyo 1, ipinresenta ng prosecution team ang mahigit isang libong piraso ng bagong ebidensya sa defense team ni Duterte.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng rules of procedure at ebidensya ng ICC.
Kabilang sa mga bagong piraso ng ebidensya na ipinresenta ay ang mga pagpatay na ginawa ng “Davao Death Squad” noong si Duterte ay alkalde pa ng Davao City, at ang mga pagpatay sa barangay clearance operations nang siya ay pangulo.
Kabilang din sa mga bagong ebidensya ay ang background information ng kaso. RNT/JGC