Home NATIONWIDE Ika-200 Experience Store ng Honor Philippines binuksan sa Maynila

Ika-200 Experience Store ng Honor Philippines binuksan sa Maynila

242
0

SA Lungsod ng Maynila napili ng pamunuan ng Honor Philippines na buksan ang kanilang ika-200 Experience Store kasabay ng pagpapakilala sa publiko ng kanilangdalawang uri ng karagdagang produkto na bagong brand ng lap tops nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay Honor Philippines Public Relations Manager Pao Oga na ang pagbubukas nila ng pang-200 store sa buong bansa ay patunay lamang na may tiwala sa kanilang mga produkto ang mga Filipino.

Ayon pa kay Oga, ang dalawa nilang Honor Magic Book na X-40 at Magic Book X-60 na kukumpleto sa una nilang mga produktong smart phones at tablets, ay may matinding kakayahan na idinisenyo para sa kahusayan na susuporta sa pangangailangan ng mga estudyante, professionals at maging sa mga content creators dahil kargado na ng AI technology ang kanilang Magic Book X-60.

Bukod kay Mr. Oga, kabilang sa mga dumalo sa seremonya ng ribbon cutting sa bagong puwesto sa SM City Manila ang Country Manager ng Honor Philippines na si Sean Yuan, Vice President Stephen Cheng, Hi-Tech Communication Mr. Charlie Mateo, SM City Assistant Manager Roy Benedict Seguera, Sparkle Artist na GMA at real-life couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman at iba pang opisyal ng kompanya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here