Home METRO Ikalawang alarma itinaas sa Marikina river

Ikalawang alarma itinaas sa Marikina river

MANILA, Philippines – Itinaas ang ikalawang alarma sa Marikina River Huwebes ng umaga bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan magdamag, ayon sa impormasyong nai-post ng Marikina City Public Information Office.

Umabot na kasi sa 16 metro ang lebel ng tubig simula alas-4 ng umaga noong Agosto 3.

Nauna nang naiulat na itinaas ang unang alarma nang tumaas ang tubig sa ilog sa 15.5 metro bandang ala-1 ng madaling araw ng Agosto 3.

Sa ilalim ng ikalawang alarma, kailangang lumikas ang mga residenteng nakatira sa mabababang lugar at madaling bahain.

Nananatiling bukas ang lahat ng walong floodgates ng Manggahan Floodway. RNT