Home NATIONWIDE Ikalawang araw ng transport strike umarangkada

Ikalawang araw ng transport strike umarangkada

MANILA, Philippines – Itinuloy ng dalawang transport group ang kanilang ikalawang araw ng welga noong Martes para iprotesta ang public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.

Inilunsad ng mga miyembro ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) at Samahang Manibela Mananakay sa Nagkaisang Terminal ng Transportasyon o MANIBELA ang kanila ng kilos protesta sa Welcome Rotonda sa boundary ng Quezon City at Maynila ngayong Martes ng umaga pagkatapos ng kanilang pagbabantay noong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat inokupahan ng mga nagprotestang driver ang southbound lane ng Quezon Avenue mula Welcome Rotonda hanggang Blumentritt Street.

Sinabi ng mga jeepney driver at operator na ang kanilang kilos-protesta ay isang sakripisyong handa nilang gawin para maipalabas ang kanilang pagtutol sa PUV modernization program.

“Nakita natin kung gaano kainit ‘yung pakikipaglaban nitong ating mga kasamahan. Sana mahal na Pangulo, ‘yung hinaing po nitong aming mga kasamahan mapakinggan ninyo at hindi ‘yung mga iilan lamang,” sabi ni MANIBELA chairman Mar Valbuena.

Nagsisimula ang mga transport group ng dalawang araw na welga para tutulan ang PUV modernization.

Sinabi ng MANIBELA na ang Araw 2 ng kanilang dalawang araw na transport strike ay magpapakita ng mas malakas na protesta.

Gamit ang bubong ng isang tradisyunal na jeepney, isa sa mga tagapagsalita ang humarap sa karamihan ng mga nagprotesta ngayong Martes ng umaga.

Sinabi ng commuters na apektado ng pagsasara ng southbound lane ng Quezon Avenue (EspaƱa Boulevard) na naglaan lang sila ng mas maraming oras para makasakay sa kanilang destinasyon.

Ayon kay Valbuena noong Lunes na may humigit-kumulang 8,000 jeepney driver at operator na dumalo sa vigil na nagsimula bandang 5 p.m. para iprotesta ang konsolidasyon sa ilalim ng PUV Modernization Program

“Dahil na rin po sa halos dalawang gabi nang pagod at puyat itong ating mga kasamahan. Dahil naghanda tayo Sunday pa at kahapon sobrang pagod talaga dahil nakipagbuno tayo sa puwersa ng gobyerno,” ani Valbuena. Santi Celario