Home NATIONWIDE Japan target isama sa Balikatan drills

Japan target isama sa Balikatan drills

MANILA, Philippines – KINOKONSIDERA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isama ang Japan sa nalalapit na Balikatan Exercises, isang taunan na military activity sa pagitan ng armed forces of the Philippines (AFP) at Estados Unidos.

“Now with the inclusion of Japan into some of these exercises that we have been doing—not only Balikatan but others—I do not see any reason why Japan should not be part of those exercises in the future,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang Foreign Correspondents Association of the Philippines’ (FOCAP) presidential forum sa Manila Hotel.

“That again is, I think, is a good move for us to make simply because it will make it easier for us to work together and to coordinate together,” dagdag na wika nito.

Inurirat kasi ang Pangulo kung may plano na isama at pasalihin ang Japan sa Balikatan Exercises sa susunod na taon, ang tugon ng Pangulo ay “we will see about that” at sinabi pa na “maybe something that we can study.”

“We will look again how the trilateral agreement has allowed more options to include Japan and we will see. I, for one, have no objection to such an idea,” diing-pahayag ng Punong Ehekutibo.

Nakaugalian na ang Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT), subalit ang trilateral summit na isinama ang Japan sa Washington D.C. noong nakaraang linggo ang nagbukas ng oportunidad sa papel ng Tokyo sa annual defense exercises.

Ang Japan, kasama ang Australia, Pilipinas at Estados Unidos ay bahagi rin ng four-state military drills sa South China Sea bago pa ang trilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Marcos, US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Ngayong taon, ang Balikatan ay nakatakdang tumakbo mula Abril 22 hanggang Mayo 8, at napaulat na isasama ang drills sa kahabaan sa ‘outer edge’ ng South China Sea waters na nasa loog ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, itinuturing na “highly contested region” na inangkinn naman ng Tsina ng buo.

Ang joint military exercises sa pagitan Pilipinas at Estados Unidos ay bunsod ng patuloy na agresibong aksyon ng Tsina sa South China Sea.

Sinabi ni Pangulong Marcos na “working together with Japan and the United States will help the Philippines focus “where the problems are,” as well as “maximize the resources that we have so that we can maintain the peace and stability and the freedom of navigation and adhere totally and completely and constantly to the rule of international law, specifically the UNCLOS.”