Home NATIONWIDE Ikalawang impeachment vs VP Sara ihahain ng Makabayan

Ikalawang impeachment vs VP Sara ihahain ng Makabayan

178
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang maghain ang Makabayan Bloc ng ikalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang impeachment complaint ay kanilang ihahain bukas, Disyembre 4.

“Gano’n na talaga kapursigido ang iba’t ibang mga sectors na maging bahagi ng formal proceedings ng impeachment,” pahayag ni Manuel.

Ani Manuel marami nang tao ang nakakaalam ng iregularidad sa paggamit ng confidential funds at iba pang anomalya na kinasasangkutan ni VP Sara sa kanyang pamumuno sa OVP at DepEd.

“Duterte’s time of reckoning is near the horizon as more and more Filipinos will start to demand answers. Nakita nila na hindi forever dapat na untouchable ang mga opisyal, may hangganan sa kanilang impunity,” ani Manuel.

Hindi naman tinukoy ni Manuel ang articles of impeachment na kanilang ihahain maliban sa kasama umano dito ang iregularidad sa paggamit ng P612.5 million confidential funds.

“Naupo siya, gumawa ng mali, kung hindi naman na dapat pang magtagal eh ‘di dapat nang matanggal,” dagdag pa ni Manuel.

Noong Lunes ay una nang naghain ng unang impeachment complaint si Akbayan Partylist Rep Percival Cendaña laban kay Duterte. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here