Home METRO 1,600 wanted nalambat ng mga parak sa Gitnang Luzon

1,600 wanted nalambat ng mga parak sa Gitnang Luzon

139
0

Bulacan – Nasa 1,600 wanted persons ang naaresto ng mga awtoridad sa loob ng isang buwan sa ibat-ibang panig sa Gitnang Luzon kabilang ang lalawigang ito.

Sa datos na nakarating kay PBGEN Redrico Maranan, RD, PRO3, mula sa Regional Investigation and Detective Management Division 3, umabot sa 1,600 wanted individuals ang nahuli ng pulisya mula Oktubre hanggang Nobyembre

Nabatid na sa 1600 kabuuang bilang ay 258 sa mga ito ay most wanted persons na kinabibilangan ng 14 regional, 81 provincial at 163 naman ang municipal levels.

Dahil dito, nagpaabot ng pagbati si Maranan sa lahat ng tauhan ng PRO3 sa kanilang masigasig na pagpapatupad ng batas para sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Nagbabala naman ang heneral sa mga kawatan at iba pang pinaghahanap ng batas na wala silang ligtas sa masigasig na operasyon ng pulisya para tiyaking ligtas at mapayapa ang komunidad. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here