Home NATIONWIDE Ikatlong pasabog ni Co, ‘a comedy series’ – Malakanyang

Ikatlong pasabog ni Co, ‘a comedy series’ – Malakanyang

313
0

MANILA, Philippines – “A comedy series.”

Ganito kung ilarawan ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang mga bagong ‘pasabog’ ni dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co, inakusahan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pinsan nitong si dating House Speaker Martin Romualdez, ng pagiging mga di umano’y utak at nasa likod ng P100-billion insertions sa 2025 national budget.

“That’s the problem with Zaldy Co’s patched-together lies. He can’t present any evidence—he’s just reading from a script,” ayon kay Castro.

“The exposé his allies were expecting has turned into a comedy series instead,” aniya pa rin.

Sa ikatlong bahagi ng di umano’y corruption tell-all na pinost ni Co sa kanyang Facebook page, sinabi nito na pinagbantaan siya ni Romualdez na papatayin kapag nagsalita siya sa pagkakasangkot sa flood control scam o maging ang magbalik sa bansa.

“The administration is using the full resources of the country to silence me and destroy my credibility,” ang sinabi nito sa video statement.

Isiniwalat din ni Co na ang kickbacks na kanyang natanggap mula sa kuwestiyonableng flood control projects ay umabot sa P56 billion—at hindi P21 billion, base sa mga dokuemnto na isinumite ni dating epartment of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan engineers Henry Alcantara at Brice Hernandez sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).

“I still have many things to bring to light. One of them is about Henry Alcantara and the so-called DPWH Boys. They claimed before the ICI that the amount involved is only P21 billion,” ang sinabi ni Co.

“That is not true. The real figure is P56 billion. And that entire amount went to President Bongbong Marcos and Martin Romualdez,” ayon kay Co, na hindi man lamang nagpakita ng anumang ebidensiya. Ang banta pa ni Co, isisiwalat niya sa mga darating na araw ang buong detalye ng transaksyon.

Kamakailan lamang ay mariing itinanggi ng Malacañang ang mga alegasyon ng dating kongresista Zaldy Co laban kay Pangulong Marcos na umano’y nag-utos ng P100 bilyong “insertions” sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez na ang mga pahayag ni Co ay “walang basehan” at pawang “hearsay” lamang.

Giit niya, si Pangulong Marcos pa ang unang nagbunyag ng mga iregularidad sa flood-control projects at nag-utos ng imbestigasyon at reporma upang maiwasan ang pang-aabuso.

Nilinaw naman ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na lahat ng panukalang proyekto ng Pangulo ay nakapaloob na sa National Expenditure Program (NEP). Aniya, kapag naisumite na ang NEP sa Kongreso, wala nang partisipasyon ang Ehekutibo sa bicameral process.

Inihayag naman ni PCO Undersecretary Claire Castro na imbento lamang ang mga pahayag ni Co upang umiwas sa imbestigasyon. Dagdag pa niya, lumutang ang pangalan ni Co sa flood-control probe dahil sa mga dokumento at testimonya, hindi dahil sa aksyon ng Pangulo.

Iginiit niya na walang “panic mode” sa Palasyo sa kabila ng mga alegasyon at protesta. Aniya, normal lamang na bantayan ng pamahalaan ang mga destabilization threats.

Sa ngayon, iginiit ng Palasyo na pinakamainam na hakbang ay ang pag-uwi ni Co upang humarap sa mga kaso at magbigay ng testimonya sa tamang hukuman. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here