Home METRO Ilang bahagi ng NAIA nawalan ng kuryente nitong madaling araw

Ilang bahagi ng NAIA nawalan ng kuryente nitong madaling araw

MANILA, Philippines – Nawalan ng kuryente sa ilang mga establishments at ilang arrival areas kaninang madaling araw, ayon sa Manila International Airport Authority.

Sinabi ng MIAA na ang power interruption ay bahagi ng ginagawa nilang upgrade ng electric systems ng paliparan na nag-umpisa mula April 2 at magtatagal hanggang ngayong araw, May 28.

Bahagi ng ginagawa nilang upgrade ang pagpapalit ng mga parts o components ng medium circuit breakers sa walong electrical substations sa NAIA Terminal 3.

Dagdag pa ng MIAA na ang power interruption at pagkukumpuni ay isinasagawa lang tuwing madaling araw at hindi tuwing peak hours ng kanilang operasyon.

Ang apektadong bahagi ng terminal ay ang southside nito kung saang mas kaunti ang ilaw sa mga hallway at lobby, sa surface parking at sa elevators at escalators sa south area.

Sa kabila nito, sinabi ng MIAA na nakahanda naman ang mga generator sets ng paliparan sakaling kailangan itong gamitin habang may on going electric systems upgrade.

Ilang mga pasahero naman ang naabala dahil sa power interruption. RNT