Home NATIONWIDE Retired judge itinalagang bagong PCSO chair

Retired judge itinalagang bagong PCSO chair

MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Ferdinand R. Marcos Jr. ang dating pangulo ng Philippine Judges Association at retired Marikina Regional Trial Court (RTC) Judge Felix P. Reyes bilang Chairman ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Si Reyes, 63, ay nanumpa sa kanyang bagong tungkulin sa harap ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, ngayong araw ng Martes, May 28.

Kumuha si Reyes ng Bachelor of Arts in Political Science sa Far Eastern University (FEU) mula 1977 hanggang 1981 at tinapos ang kanyang law degree sa University of the East mula 1982 hanggang 1986.

Bago pa ang kanyang appointment, itinalaga si Reyes bilang acting member ng PCSO Board of Directors mula November 2022 hanggang sa kasalukuyan.

Nagsilbi rin siya bilang acting presiding judge ng Taguig RTC Branch 70 mula 2017 hanggang 2019; RTC, Lipa City mula February 2011 hanggang September 2021 at RTC, Calamba City mula 2011 hanggang 2013. Kris Jose