Home NATIONWIDE Turnover ng SHC sa Dinagat Islands, pinuri ni Bong Go

Turnover ng SHC sa Dinagat Islands, pinuri ni Bong Go

MANILA, Philippines – Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, ang Department of Health at ang lokal na pamahalaan ng San Jose, Dinagat Islands, sa pangunguna ni Mayor Yngwie Hero Ecleo at Vice Mayor Ruben Zuniega, para sa matagumpay na turnover ng Super Health Center ng bayan.

Ang Super Health Center ay bahagi ng adbokasiya ni Go na magtatag ng mas maraming Super Health Center sa buong bansa upang matiyak na ang mahahalagang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan ay makararating sa malalayong komunidad.

Binigyang-diin ni Go ang pangangailangan para sa pinabuting imprastraktura at serbisyo sa malalayong lugar. Muling pinagtibay ng senador ang kanyang pangako na itataguyod ang mga hakbang na pupuno sa kakulangan sa healthcare upang ang bawat Pilipino ay magkaroon ng access sa de-kalidad na pangangalagang medikal.

“Ano ba itong Super Health Center? It’s a medium type of a polyclinic, nasa loob na ang panganganak, birthing, dental, laboratory, x-ray at pwedeng i-expand at lagyan ng pang-dialysis,” anang senador.

“Alam n’yo sa kakaikot ko sa Pilipinas, nakita ko ang problema. Ang mga buntis noon nanganganak na lang sa jeep o tricycle dahil napakalayo ng mga ospital. Ngayon ilalagay ito sa mga strategic areas, lalo na sa mga 4th class, 5th class, 6th class municipalities na may kakayahang mag-operate ng Super Health Center,” aniya.

Ang SHC, ayon kay Go, ay makatutulong na i-decongest ang hospitals at magagamot na agad ang mga may karamdaman.

Samantala, hinikayat ni Go ang mga may problemang medikal sa Dinagat Islands na samantalahin di ang mga serbisyo ng Malasakit Center na matatagpuan sa Caraga Regional Hospital sa Surigao City o Siargao Island Medical Center (SIMC) sa Dapa. RNT