Home METRO Ilang biyahe ng barko kanselado sa Mimaropa, Bicol, Visayas sa habagat

Ilang biyahe ng barko kanselado sa Mimaropa, Bicol, Visayas sa habagat

2
0

MANILA, Philippines — Ilang biyahe ng mga ferry at roll-on/roll-off vessel sa Mimaropa, Bicol at bahagi ng Central Visayas ang kanselado nitong Martes, Agosto 18, dahil sa masamang panahon dulot ng habagat.

Batay sa alas-8 ng umagang monitoring ng Philippine Ports Authority (PPA), kabilang sa mga apektadong ruta ang mga bumibiyahe mula Batangas patungong Puerto Galera at iba pang destinasyon sa Mindoro, Romblon at Panay.

Kanselado rin ang lahat ng biyahe sa Port of Lubang, habang kabilang sa mga hindi bumiyahe ang MV Bunso Ferry 2 mula San Jose, Occidental Mindoro patungong Coron, Palawan at isang Montenegro Shipping Lines trip mula Abra de Ilog patungong Batangas.

Sa Palawan, apektado rin ang ilang biyahe sa Coron at Culion, kabilang ang MV Bunso Ferry 2, MV City of Iloilo, Expedition Tours at Escapade Tours. Kinansela rin ang mga biyahe ng maliliit na sasakyang pandagat na sakop ng umiiral na restrictions.

May mga kanselasyon din sa Masbate at Bohol, kabilang ang rutang Jagna, Bohol–Balbagon, Camiguin ng Super Shuttle Ferry 28.

Nilinaw ng PPA na hindi ito ang direktang nagkakansela ng mga biyahe. Awtomatikong nahihinto ang paglalayag kapag nagpapatupad ang Philippine Coast Guard ng no-sail policy, habang maaari ring magkansela ang shipping companies depende sa kondisyon ng panahon at kanilang operasyon.

Pinayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa kanilang shipping line at bantayan ang mga opisyal na advisory bago bumiyahe. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here