Home NATIONWIDE Ilang close contact cases ng unang mpox patient hirap makausap

Ilang close contact cases ng unang mpox patient hirap makausap

1098
0

MANILA, Philippines – Hirap ang mga awtoridad na matunton ang ilang close contacts ng 33-anyos na lalaking unang kaso ng mpox sa bansa, ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nitong Huwebes, Agosto 23.

Nasa kabuuang 41 indibidwal ang iniulat na mayroong close contacts sa kaso ng mpox, 28 sa mga ito ay ikinokonsiderang Type 1 o nagkaroon ng direct contact sa pasyente at posibleng magkaroon ng mga sintomas ng sakit.

Bilang bahagi ng protocol, ang lahat ng close contacts ay imomonitor ng lokal na pamahalaan.

Sa kabila nito, ilan sa 28 ay inconsistent sa pag-uulat ng kanilang mga kondisyon.

“Hindi namin alam kung sinusunod nila at this time yung home quarantine or ayaw lang nila makipag usap kasi for whatever reason. Hindi na maituro sa atin sino talaga sa kanila ang naka encounter so we are asking for their cooperation,” ayon kay Dr. Rolando Cruz, CESU head.

Nakipag-usap na rin ang Quezon City LGU sa pamunuan ng spa na binisita ng mpox patient.

Ipinaliwanag ni Cruz na ang ilan sa mga impormasyon na ibinigay ng spa ay mali.

“Meron lang hindi consistent kasi meron kami hinahanap pa, na kina-clarify doon sa (spa) kasi hindi kumpleto yung data nung iba,” dagdag pa.

Para maiwasan ang pagkalat ng sakit, nagsagawa na ng rapid assessment ang QC LGU sa mga negosyong may kaparehong nature.

“Sa reception nakalagay doon yung business permit. Tingnan niyo kung updated, tingnan nyo kung may sanitary permit and then hingan nyo ng health card yung masahista,” abiso ni Cruz.

Samantala, sinabi ng Department of Health na naghahanda na ito ng guidelines o health protocols para sa mga Negosyo na karaniwang nag-oobliga ng close contact sa mga customer. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here