Home NATIONWIDE Ilang dawit sa maanomalyang flood control projects humingi ng palugit – DOJ

Ilang dawit sa maanomalyang flood control projects humingi ng palugit – DOJ

230
0

MANILA, Philippines – Humihingi ng palugit para magsumite ng kanilang kontra salaysay ang ilan sa mga dawit sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan, ayon sa Department of Justice.

Nitong Lunes, Nobyembre 24, personal na dunalo sa pangalawang preliminary investigation ng DOJ ang ilang opisyal ng DPWH kung saan naghain na ng mga counter affidavit kaugnay sa limang kaso na may kaugnayan sa flood control projects sa Bulacan.

Sabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, binigyan ang mga ito ng hanggang Biyernes para magsumite habang kapag nabigo pa rin, tuloy na ang pagdinig at dedesisyunan na ang kaso batay sa mga nakalap nilang ebidensiya.

Kabilang sa mga dumalo sa ikalawang preliminary investigation ang dating mga engineer ng Department of Public Works and Highways na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.

Hindi naman dumalo ang contractor na dawit na si Sally Santos ng Syms Construction pero naghain ito ng kontra salaysay kaninang umaga.

Samantala, nanawagan ang DOJ sa mga indibidwal na ipinaaaresto ng Sandiganbayan na sumuko na.

Hindi naman nagbigay ng anumang impormasyon o detalye si Martirez kung may alam ang DOJ sa kinaroroonan ng dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here