Home NATIONWIDE Pamilya ng biktima sa Maguindanao massacre humiling sa CA sa pagresolba ng...

Pamilya ng biktima sa Maguindanao massacre humiling sa CA sa pagresolba ng nakabinbing kaso

290
0

MANILA, Philippines – Naghain ng manifestation sa court of appeals ang pamilya ng biktima ng Maguindanao Massacre para humiling na agad resolbahin ang mga nakabinbing apela sa kaso.

Sa kanilang manifesto, hiniling ng pamilya sa Korte na itaas ang danyos na ibibigay mula sa isandaan hanggang milyon-pisong halaga, lalo’t karumal-dumal ang ginawang pagpatay.

“Itong finile namin itong pong tinatawag namin na final push for full justice huling panawagan po ito para sa hustisya para sa lahat po ng biktima ng maguindanao massacre,” pahayag ni Atty. Gilbert Andres, ang abogado ng ilan sa pamilya ng biktima ng Maguindanao Massacre

Naghain din ng Motion to Correct Clerical Errors, o ang hiling na kilalanin bilang ika‑58 na biktima ng Maguindanao Massacre ang photojournalist na si Reynaldo “Bebot” Momay, na una nang ibinasura ng korte dahil hindi natagpuan ang kanyang bangkay.

Iginiit ng abogado na bukod sa pahayag ng mga testigo, bagama’t pustiso lamang ang narekober kay Momay, sapat na aniya ang ebidensya na ito para kilalanin siya bilang biktima ng Maguindanao Massacre. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here