Home TOP STORIES Ilang estudyante kay PBBM: Luzon CHED official parusahan

Ilang estudyante kay PBBM: Luzon CHED official parusahan

MANILA, Philippines РNAGPASAKLOLO  na ang ilang mag-aaral kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para aksyunan at disiplinahin ang isang mataas na opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) sa Luzon.

Kinilala ang nirereklamo na si Dr. Aldrin Darilag na professor din sa Don Honoria Ventura State Universtity (DHVSU) sa Pampanga dahil sa kasong grave misconduct, neglect in the performance of duty and abuse of authority or oppression.

Sa kanilang reklamo, sinabi ng isang Tourism student na kailangang paboran ng mga mag-aaral ang ilang kagustuhan ni Darilag para sila ay makapasa sa pag-aaral at maka-graduate.

Isang halimbawa umano ang reklamo ng isang MBA student na kahit na kumpleto sa lahat ng requirements ay nabigyan pa ng professor ng grading Incomplete dahil hindi ito pumayag sa sinasabing ‘kahilingan’ ni Darilag.

Sinabi pa ng mga nagrereklamong estudyante na malinaw na isang paglabag ang aksyon ng naturang official ng CHED ay isang grave misconduct, neglect of performance of duty at abuse of authority.

Samantala, ang bagay na ito umano ay naiparating na kay CHED Chairperson Prospero de Vera III at iniatas na ng Office of the President na suspendihin si Darilag para hindi makaapekto sa isasagawang imbestigasyon.

Patuloy namang sigaw ng mga mag-aaral na maparusahan si Darilag sa umano’y maling gawain nito. Santi¬†Celario

Previous articleMag-ina patay sa owner-type jeep na nawalan ng preno sa Bulacan
Next article8 patay sa car bomb sa palengke sa Syria