Home METRO Mag-ina patay sa owner-type jeep na nawalan ng preno sa Bulacan

Mag-ina patay sa owner-type jeep na nawalan ng preno sa Bulacan

MANILA, Philippines – Patay ang mag-ina nang masagasaan ng owner-type jeep na nawalan ng preno sa Norzagaray, Bulacan nitong Huwebes, Marso 28.

Kasabay nito, anim din ang sugatan sa naturang insidente.

Ito ay nangyari bandang 10:30 ng umaga sa pababa at kurbadang bahagi ng kalsada sa Sitio Bitbit, Barangay San Mateo.

Ayon sa pulisya, bumulusok ang owner-type jeep nang mawalan ng preno.

Dito na nasagasaan ang mag-iina na naglalakad sa kalsada.

Patay ang 15-anyos na lalaki at ina nito habang sugatan naman ang anak niyang babae.

Patungo sana sa Bitbit River ang mag-iina para mag-outing.

Sa hanay ng owner-type jeep, sugatan naman ang limang pasahero nito na patungo rin sana sa ilog para mag-outing.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries ang drayber ng owner-type jeep. RNT/JGC

Previous articleJuly 17 idineklarang National CPR Day ni PBBM
Next articleIlang estudyante kay PBBM: Luzon CHED official parusahan