Home NATIONWIDE July 17 idineklarang National CPR Day ni PBBM

July 17 idineklarang National CPR Day ni PBBM

MANILA, Philippines – Ipinroklama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang July 17 ng bawat taon bilang “National Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Day,” sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Sabado, Marso 30.

Ayon sa PCO, layon ng pagpoprokalam ng National CPR Day na palakasin ang national health awareness campaign sa bawat tirahan ng mga Filipino.

Sinabi sa dalawang pahinang Proclamation No. 511, na pinirmahan ni Marcos noong Marso 27, na ang CPR “is a lifesaving technique useful in many emergencies, including heart attack or near drowning.”

“There is a need to instill and continuously promote health consciousness among Filipinos by equipping them with the necessary information, knowledge, behavior, and skills to respond to health emergencies, including bringing CPR in every home as an emergency procedure,” ayon pa kay Marcos sa kanyang Proclamation No. 511.

Inatasan ng Pangulo ang Department of Health (DOH) na manguna sa pagpaplano, paghahanda, coordination, pag-oorganisa, pagpapatupad, monitoring at evaluation ng mga inisyatiba at programa sa taunang paggunita ng National CPR Day.

Pagpapatuloy, inatasan pa ng Pangulo ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na aktibong lumahok sa paggunita ng National CPR Day habang ang non-government organizations at private sectors ay hinihikayat din na makilahok. RNT/JGC

Previous articleLalaking sangkot sa serye ng shooting incidents sa CDO, patay sa operasyon
Next articleMag-ina patay sa owner-type jeep na nawalan ng preno sa Bulacan