Home NATIONWIDE Ilang estudyante nahilo, nawalan ng malay sa panic attack sa Sorsogon

Ilang estudyante nahilo, nawalan ng malay sa panic attack sa Sorsogon

MANILA, Philippines – Nahilo, nanghina at nawalan ng malay ang ilang estudyante sa isang paaralan sa Bulan, Sorsogon na possible umanong dahil sa panic attack.

Sa video, makikita ang mga estudyante at guro na nagkakagulo.

Idinaos na rin ang misa sa naturang paaralan.

Ayon sa principal, tatlong lingo nang nangyayari ang insidente.

Matapos ipasuri sa ospital ang unang mag-aaral, napag-alaman na ito ay dahil sa panic attack.

Nalaman din sa pagsusuri na kulang ang kinaing almusal ng mga estudyante na nakaranas ng pagkahilo at pagkawala ng malay.

Napag-alaman na ilan sa mga kabataan ang tumatawid pa ng bundok kaya nauubusan ang mga ito ng lakas, habang ang iba ay may trabaho pa tuwing gabi.

Wala rin umanong canteen sa naturang paaralan.

“In-advise na lang namin ang mga magulang na kung maaari, pakainin nang maayos ang mga bata bago pumasok ng paaralan at magdala ng sarili nilang mga pagkain para hindi nagugutom sa loob ng classroom,” ayon sa principal sa panayam ng GMA News. RNT/JGC