MANILA, Philippines – Nakakolekta na ng mahigit 300,000 litro ng langis ang salvor na Harbor Star mula sa Motor Tanker Terranova mula Agosto 19 hanggang Agosto 24.
Sinabi ng Harbor Star na ang rate ng daloy ng oil waste noong Agosto 24 recovery operation ay 13,500 liters per hour.
Ang BRP Sindangan (MRRV-4407) at BRP Malamawi (FPB-2403) ay nagsagawa ng aerial survey sa siphoning operation habang ang Coast Guard Special Operations Force (CGSOF) divers ay nagsagawa ng underwater assessment sa ground zero.
Samantala, ang kinontratang salvor, FES Challenger, ay nagpatuloy sa muling pagse-sealing at paglalagay ng mga manhole at air vents ng lumubog na MTKR Jason Bradley bilang paghahanda para sa refloating operation.
Ang joint oil spill response team ay nagsagawa ng coastline foot patrol at napagmasdan na walang oil sheen sa Sitio Bagong Sibol, Barangay Mt. View, Mariveles, Bataan.
Ang Coast Guard personnel ay naglatag naman ng 50 meters ng spill boom sa paligid ng MV Mirola 1 habang ang joint oil spill response team ay sinusubaybayan ang operasyon ng kinuhang salvor ,ang Morning Star. Jocelyn Tabangcura-Domenden