MANILA, Philippines – MAY ilang Filipino-Americans candidates ang nagwagi sa iba’t ibang lokal na posisyon sa katatapos lang na 2024 US elections.
Sa katunayan, kasama sa mga nagwagi ang Fil-Am na muling nanalo bilang Alkalde ng Daly City, Fil-Am na bagong Alkalde ng San Diego, at kauna-unahang Fil-Am na uupo bilang miyembro ng LA county council.
Si Steven Raga ay nare-elect para sa kanyang pangalawang termino bilang kinatawan ng District 30 sa Queens County, New York, natalo nito ang challenger na si Brandon Castro. Si Raga ay gumawa ng kasaysayan bilang unang Filipino American na nahalal sa New York State Assembly at ipagpapatuloy ang kanyang trabaho sa lehislatura.
Sa Wisconsin, nasungkit naman ni Fil-Am Angelito Tenorio ang isang upuan sa State Assembly for District 14. Sa kanyang Facebook page, sinasalamin niya ang kanyang pinagmulan at kahalagahan ng kanyang tagumpay sabay sabing “I’m deeply grateful and honored to have earned the trust and support of the people of District 14. As a young person and the son of Filipino immigrants, I feel truly blessed to have this opportunity to serve our community in the Wisconsin State Legislature. I don’t come from a wealthy, well-connected family. I’m just a kid from West Allis who deeply cares about his hometown. I entered this race because I’m passionate about building a brighter future for everyone in our community.”
Si Christopher Cabaldon, dating Mayor ng Sacramento ay magiging kauna-unahang Filipino American na nahalal sa California State Senate, tatayong kinatawan ng District 3. Cabaldon, isang beteranong politiko, nagsilbi noon bilang Alkalde ng Sacramento para sa nakalipas na dalawang dekada.
Sa Los Angeles, nakatakda namang gumawa ng kasaysayan ang Filipino American tenant rights Attorney na si Ysabel Jurado.
Si Jurado ay tumakbo para sa District 14 seat sa City Council, nakalaban niya si Kevin De Leon, nakakuha naman si Jurado ng 56% na boto. pagpoposisyon sa kanyang sarili na maging unang Fil-Am elected sa Los Angeles City Council.
Si Fil-Am Todd Gloria, tumakbo para sa re-election bilang alkalde ng San Diego, kasalukuyang hawak ang mahalagang pag-ungos na may 55.56% na boto kontra sa kanyang kalaban na si retired Marine Lieutenant Larry Turner, na nakakuha lamang ng 45.4%.
Sa California, napagwagian ni Daly City Mayor Juslyn Manalo ang re-election para sa pangalawang termino. Sa kanyang Facebook page, ipinahayag ni Manalo ang kanyang kagalakan sa kanyang mga constituents, sabay sabing “I’m extremely grateful to serve my hometown continuously.”
Samantala, si Jessica Calazo, tumatakbo bilang kinatawan ng District 42 sa California, ay mayroong malaking tsansa na maging unang Fil-Am State Assembly member.
“We’re definitely going to continue our community involvement and ensure that our part of the community is represented. We’re also focusing on several legislative and budget priorities,” ang sinabi ni Calazo. Kris Jose