Home NATIONWIDE 11 taong anibersaryo ng bagyong Yolanda ginunita

11 taong anibersaryo ng bagyong Yolanda ginunita

MANILA, Philippines – SA GITNA ng nagpapatuloy na pagbangon mula sa mga bagyong Kristine at Leon, ginunita ng sambayanang Filipino ang ika- 11 taong anibersaryo ng bagyong Yolanda.

“Our ongoing crucibles remind us that the powerful lessons brought by the strongest typhoon in history should not be lost with the passage of time,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sabay sabing “Heeding these is the best way to honor the lives lost.”

Bilang ‘most disaster-prone country’ sa buong mundo, wala aniyang magagawa ang mga Filipino dahil “We do not have the luxury of ignorance, inaction, and complacency.”

Gayunman, dapat aniyang paigtingin ang pagsisikap na pagaanin at adapt ang mga hamon ng climate change.

“We must empower our communities and strengthen our local government units, who both comprise our first line of defense against calamities,” ayon pa rin kay Pangulong Marcos.

“We must guarantee the speedy delivery of relief and aid to all those who may need it. And after making sure that the communities brace better against typhoons, that they can build back better after, by making them more resilient than before,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Ang kalamidad aniya ay ‘teaching moments’ at ang bawat isa matapos ang Yolanda ay nakapaghatid ng ‘payload of lessons’ na nag-aatas kung paano aayusin ang pagtugon.

“Since then, we have strengthened institutional bulwarks against calamities, which our countrymen have matched with increasing care and compassion for those affected. It is also because of this bayanihan of our race that the pain of victims is assuaged and the rebuilding of homes and livelihoods is accelerated,” ang tinuran pa rin ni Pangulong Marcos.

Sa araw na ito, naaalala ng lahat ang kabutihan ng international community, na ang pagbuhos ng suporta ay nakatulong na mabilis para makabangon ang bansa lalo na ang mga apektadong mamamayan.

“Their response reaffirmed a tenet civilization must uphold when one nation faces an emergency or an existential threat—that no man is an island, indeed. All unfulfilled commitments made in the past for Yolanda rehabilitation are responsibilities we fully assume,” ang sinabi ng Pangulo.

“Though no singular fault of anyone, many of these pledges remain unredeemed, and we shall see to it that what the state owed to impacted people and places will be satisfactorily settled,” aniya pa rin.

Matatandaang noong 2013, nagdulot ang Bagyong Yolanda ng malawakang pagkawasak at kalunos-lunos na kumitil sa buhay ng humigit-kumulang 6,300 indibidwal.

Ang kumbinasyon ng malakas na hangin at malakas na pag-ulan ay humantong sa malawakang pagbaha, na nagdulot ng malawak na pinsala sa imprastraktura, kabilang ang communication at road networks.

Dahil dito, nahadlangan ang agarang pag-deploy ng relief efforts, na nagpalala sa tindi ng humanitarian crisis.

Naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang tinatayang 14,433 pamilyang lumikas sa Tacloban City lamang.

Karamihan sa mga lumikas na pamilya mula sa mga kalapit na coastal towns ay nakahanap ng kanlungan sa Tacloban City Convention Center, na isa sa ilang mga istruktura na nakaligtas sa mapangwasak na epekto ng Super Typhoon Yolanda.

Makalipas ang isang dekada, nagsisilbi na ngayong angkop na lugar ang site na ito para gunitain ang anibersaryo ng Bagyong Yolanda. Kris Jose