Home NATIONWIDE US tariff hikes sa Trump admin pinaghahandaan ng Pinas

US tariff hikes sa Trump admin pinaghahandaan ng Pinas

MANILA, Phuilippines – MAY BITBIT na mataas na panganib ang pagbabalik ni President-elect Donald J. Trump sa kapangyarihan dahil sa napipintong pagpapatupad nito ng 20% taripa sa sa mga non-China countries.

Maaaring magkaroon ito ng negatibong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas.

“Imposing tariffs of 20 percent on non-China countries and 60 percent on China could affect the global economy, “and that’s what will worry us,” ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan nang tanungin ukol sa potensiyal na epekto ng pagbabalik ni Donald Trump.

“Of course, prices will be higher in the U.S., and that will put pressure on inflation and the purchasing power of the population,” ang sinabi ni Balisacan.

Gayunman, sinabi ni Balisacan na maaaring mag-adapt ang bansa ng anumang polisiya ng US administration at “can work with any government.”

Sinabi pa nito na ang lumalagong relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos ay makatutulong sa bansa na ma-adapt sa global economic shifts at mapangasiwaan ang potensiyal na panganib.

Tiniyak naman ni Balisacan na itinutulak na ng Pilipinas ang export market diversification sa pamamagitan ng bagong trade agreements sa mga bansang gaya ng Korea, UAE, at EU para bawasan ang ‘economic vulnerability.’

“We have been pushing and have been more aggressive in opening up other channels, like our free trade agreements with other countries,” aniya pa rin.

Idinagdag pa ni Balisacan na ang layunin ay magtatag ng mas maraming free trade agreements (FTAs), kapuwa sa bilateral at multilateral, para lumikha ng bagong oportunidad at pagiba-ibahain ang ‘exports at imports.’

“Recently, the economic team’s visit to London sparked strong interest from British investors in Philippine opportunities, with plans to continue discussions, ” ang sinabi ni Balisacan.

“In line with this, high-level discussions are ongoing between the Philippine government, international counterparts, and businesses to drive economic diversification,” aniya pa rin sabay sabing “I can assure you that we are very mindful of the need to diversify our economy.”

Ang hakbang na ito ay mahalaga para pagaanin ang epekto ng biglaang protectionist measures mula sa mga major partners, na maaaring makapinsala sa long-term efficiency at lumikha ng karagdagabf mnfa isyu.

“Ideally, the U.S. would avoid such isolationist policies, as they may ultimately prove counterproductive,” ang sinabi pa rin ni Balisacan. Kris Jose