Home NATIONWIDE Ilang independent candidates at KABAYAN Partylist tapos nang nagpahayag ng kandidatura

Ilang independent candidates at KABAYAN Partylist tapos nang nagpahayag ng kandidatura

MANILA, Philippines – Naghain na rin ng Certificate of Nomination and Acceptance (CON-CAN) si KABAYAN Partylist Rep. Ron Salo.

Gayundin ang Bumbero ng Pilipinas Partylist na layon na pagsamahin ang mga bountaryo sa Pilipinas para sa pagtugon sa mga sakuna sa bansa gayundin ang pagsusulong ng benepisyo ng lahat ng boluntaryo sa Pilipinas.

Tumakbo naman bilang Independent Senator aspirant ang ilang indibidwal tulad nina David Paul Chan na isang mechanical engineering graduate at Alexander Encarnacion na isang electrician.

Natapos na ring maghain ng kanilang COC sina Joey Montemayor na isang doktor at abogado at dati nang tumakbo sa pagka-presidente noong 2022

Sinabi ni Montemayor na ang kanyang pagtakbong senator ay nangangahulogan ng patuloy niyang pagseserbisyo sa kanyang mga kababayan; Janice Padilla, na dating guro at scholar coordinator na nagpahayag na gustong tutokan ang benepisyo ng mga guro , taas sahod at pagbibigay trabaho sa lahat ng graduate na walang trabaho.

Una nang nakapagsumite ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) at ipinirisinta rin ang kanyang Certificate of Nomination and Acceptance ng partido Aksyon Demokratiko. si Agri Partylist Rep Wilbert Lee.

Narito ang listahan ng mga kakandidatong naghain na ng kanilang COC sa Maynila.

 

Senator:

1. Agri Partylist Wilbert Lee (Aksyon Demokratiko)

2. David Paul Chan

3. Dr. Joey Montemayor (dating tumakbo sa pagka-presidente noong 2022)

4. Janice Padilla

5. Jose Jessie Olivarez

6. Joseph Tan Lee

7. Alexander Encarnacion

Party-list:

1. Kabayan Partylist Rep. Ron Salo

2. Dating Energy Usec. Astra Pimentel Naik – Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)