Home METRO Guro grinipuhan ng 14-anyos na dalagita

Guro grinipuhan ng 14-anyos na dalagita

127
0

SULTAN KUDARAT- PATAY ang 56-anyos lalaking guro matapos pagsasaksakin ng 14-anyos na dalagita, kahapon ng umaga sa Tacurong City.

Naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay ng matagpuan ang biktima na kilala sa alyas Datu, guro at residente sa Purok Montivelle, Barangay EJC Montilla, ng nasabing lungsod habang hawak naman ng pulisya ang suspek na isang 14-anyos na dalagita, taga Columbio, Sultan Kudarat.

Sa inisyal ng report ng Tacurong City Police Station, bandang 10:00 AM nakatanggap sila ng report hinggil sa naturang insidente.

Pagdating sa lugar ng pinangyarihan ng krimen naabutan nila ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at ang suspek.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang suspek at i-turn-over sa tanggapan ng City Social Welfare and Development (CSWD) para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen./Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here