Home SPORTS Palpak na mga referee pinarusahan ng  PBA

Palpak na mga referee pinarusahan ng  PBA

MANILA, Philippines – Muling sinampal ng PBA ng parusa ang mga referee pagkatapos ng Game Three ng quarterfinals ng Governors’ Cup sa pagitan ng Converge at San Miguel noong Lunes.

Sinabi ni Commissioner Willie Marcial na sususpindihin nila ang mga referee na nagtrabaho sa quarterfinal match noong Lunes sa pagitan ng FiberXers at ng Beermen para sa isang tawag na ginawa may 0.6 segundo ang natitira sa unang quarter.

Nanalo ang FiberXers, 114-112.

Hindi ibinunyag ni Marcial ang mga pagkakakilanlan ng mga referees, ngunit ang stats sheet ay nakasaad na sina Peter Balao, Mike Flordeliza, Joel Baldago, at Kenny Hallig ang nanguna sa laro.

Dumating ang  anunsiyo ni Marcial sa parehong araw na sinuspinde ng PBA ang referee na si Rey Yante para sa natitirang bahagi ng kumperensya dahil sa hindi nakuhang goaltending violation sa huli sa 111-106 panalo ng Rain or Shine laban sa Magnolia noong Linggo.

Sa pagkakataong ito, unang sinampahan ng  flagrant foul penalty two si Converge guard Alec Stockton para sa isang siko na nagpatumba kay SMB guard Kris Rosales, ngunit kalaunan ay ibinaba ang tawag sa flagrant foul penalty one pagkatapos ng pagsusuri.

Mapapatalsik sana sa laro si Stockton kung ito ay flagrant foul 2, ngunit sinamantala ng Converge guard ang pagbawi sa tawag para itarak ang game-winner sa buzzer sa iskor na 114-112 para sa tagumpay sa Game 3.

Iyon ang nagbigay-daan sa FiberXers na manatiling buhay sa best-of-five quarterfinal series, na pinangungunahan pa rin ng Beermen, 2-1, patungo sa Game 4 sa Ninoy Aquino Stadium.